Katapusan

Paano ako magiging handa?
Kung ‘di ko alam ang nakatakda?
Kahit pa alam o naramdaman ko
Hinding hindi ako magiging handa sa pag-alis mo

Dumating ka na parang alon
Sumulong ka na walang takot
Sa kung ano ang nasa pampang, nasa akin
Rumagasa ka sa mga naglalakihan kong bato

Sa tinagal, nakalimutan ko na kung paano maging pino
Paano nga ba ulit ‘to?
Sa pagdating mo, nagmistulang tahanan ang dating mga bato
Ganito pala ‘pag bumalik ang lahat ng nawala

Pero hindi nagtagal
‘Di nagtagal umalis ka din na parang alon
Umurong ka na puno ng takot
Kasabay ng pagtangay ang lahat ng mga bumalik

Ito pala ang nakatakda
Matatagpuan at iiwanan
Hahagkan at bibitawan
Mayroong katapusan, hangganan
Sana pati ang nararamdaman, kalungkutan

“Sa paglalagalag: Mga ligaya at sakit na dulot ng bagong mata, puso, at isip na natagpuan sa daan” is a series of Filipino poetry written out of love and loss.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s