Kanlungan

Sampung buwan
Labinglimang hantungan
Binaybay ang kalawakan ng karagatan
Sinuyod ang kasuluk-sulukan ng kapatagan
Hanggang sa ikaw ay mahagkan

Sampung buwan
Labinglimang hantungan
Natagpuan ka ng ‘di inaasahan
Sa lahat ng aking nasaksihan
Ikaw lang ang ‘di malimutan

Sampung buwan
Labinglimang hantungan
‘Di tulad mo ang nakagisnan
Pero sa’yo, sa’yo naramdaman ang tahanan

Sampung buwan
Labinglimang hantungan
Hinarap mula silangan hanggang kanluran
‘Di na malaman ang nais puntahan
Sa mga hantungan ba o sa’yong kanlungan?

Sampung buwan
Labinglimang hantungan
Ano nga ba ang kasagutan?
Sa’yong kanlungan
Kaligayahan, kapayapaan, tahanan
Sana’y walang hanggan

“Sa paglalagalag: Mga ligaya at sakit na dulot ng bagong mata, puso, at isip na natagpuan sa daan” is a series of Filipino poetry written out of love and loss.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s